Nakatakdang pulungin mamaya ni US President Joe Biden ang Australia, Japan at India bilang bahagi nang tinaguriang grupo na “the Quad.”
Ito ang unang first in-person meeting ng Quadrilateral Security Dialogue.
Sinasabing bahagi nang pagpupulong ay upang palakasin ang alyansa sa Indo-Pacific para tapatan ang patuloy na pagpapalakas ng China.
Ayon naman sa White House ang pakikipagharap ni Biden sa mga lider ng nabanggit na mga bansa ay gagawin sa Washington kung saan personal na dadaluhan ito nina Japanese Prime Minister Yoshihide Suga, Indian leader Narendra Modi at Australian Prime Minister Scott Morrison.
Inaasahang kabilang sa pag-uusapan ng mga lider ang kontrobersiyal na pinaigting na aktibidad ng China sa ilang teritoryo ng Taiwan na nagdudulot umano nang pagtaas ng tensiyon.
Una na ring binuo ni Biden ang AUKUS defense pact na kinabibilangan ng Australia, US at United Kingdom para makabuo ng nuclear powered submarine.