-- Advertisements --
joe biden philadelphia
Former US Vice President Joe Biden lambasted US President Donald Trump’s recent comment suggesting that cases would go down if the country stopped testing.

Tinawag na isang malaking kalokohan ni dating US Vice President Joe Biden ang naging komento ni US President Donald Trump na ipatitigil nito ang COVID-19 testing sa buong Estados Unidos para hindi na madagdagan pa ang kaso ng sakit sa bansa.

Sa isinagawang talumpati ng presumptive Democratic presidential nominee sa Philadelphia, tahasan nitong sinisi si Trump na dahil sa pagkawala ng kaniyang interes ay posibleng mawala rin ang progreso na unti-unting tinatamasa ng Amerika.

“It’s a statement that’s not only absurd, it’s absolutely tragic,” wika ni Biden. “Public health response is still woefully, woefully lacking from this administration.”

Ilang ulit na rin daw itong nagpahayag ng kaniyang pagkabahala sanhi ng tila hindi pagseseryoso ng Republican president sa hinaharap na coronavirus pandemic ng buong mundo.

Ito’y dahil na rin sa pagbalewala ni Trump sa mga natatanggap nitong reports mula sa kaniyang intelligence community na delikado pa ring buksan ang ekonomiya ng US.

Una nang sinupalpal ni Trump ang mga kritisismong binabato ng grupo ni Biden hinggil sa pangangasiwa ng White House sa pandemic.

“Biden has no credibility to talk about America’s reopening today because he’s been proven wrong about nearly everything. If Biden had his way, even more Americans would be in lockdown pain. The only plan Biden has for the future of America’s economy involves higher taxes and a War on American Energy that would put millions out of work,” saad ng kampo ni Trump sa pamamagitan ng isang email blast.