Sinabihan ni US President Joe Biden si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi makikiisa ang mga American forces sa paglulunsad ng mga opensiba laban sa Iran.
Ito ang inihayag ng isang US official.
Ayon sa isang US official wala namang malaking damage ang ginawang airborne attack ng Iran.
Tinawag naman ni Biden na panalo ang ginawang depensa ng Israel sa mga pag-atake ng Iran.
Matagumpay kasi na-intercept ng Israel ang nasa 100 missiles at drones na pinakawala ng Israel.
Ayon naman sa Israeli Defense Forces na kanilang na shot down ang majority sa mga projectiles sa labas ng border ng Israel sa pamamagitan ng tulong ng mga US forces.
Kinumpirma naman ng isang IDF officials na isang missile ang tumama sa Israeli base nagtamo lamang ito ng minor damage at walang naiulat na nasugatan.
Ayon naman sa isang senior US official na nasa 70 drones at tatlong ballistic missiles ang kanilang naintercept.
Ang nasabing missiles ay pinataob ng dalawang guided missile destroyers na naka deploy sa eastern Mediterranean.
Tumulong din ang US fighter jets na depensahan ang Israel mula sa mga pag-atake.