-- Advertisements --

Sa unang pagkakataon ay sinamahan ni US President Joe Biden sa political campaign ni Vice President Kamala Harris.

Ito ang unang pagkakataon na sumama si Biden mula ng inanunsiyo ng hindi na pagtakbo sa darating na halalan.

Sa ginawang political campaign nila sa Maryland ay ipinagmalaki ng pangulo ng US ang makasaysayan na Medicare drug price negotation kung saan binawasan ang mga presyo ng ilang mga gamot sa US.

Ang nasabing hakbang na ito ay siyang magandang puntos na dadalhin ni Harris sa gaganaping Democratic National Convention na gaganapin sa susunod na lInggo.

Pinuna din ni Biden ang katunggali sa halalan ni Harris na si dating US President Donald Trump dahil sa pagkontra sa batas na ipinasa nila para sa mga murang gamot sa lahat ng mga mamamayan ng US.