-- Advertisements --
Sinimulan ni US President-elect Joe Biden ang kaniyang araw sa pamamagitan ng pagtungo sa simbahan.
Kasama nito ang kaniyang pamilya na nagtungo sa St. Joseph’s on the Brandywine, isang Catholic Church malapit sa kaniyang bahay sa Wilmington, Delaware.
Sa nasabing lugar din ay doon nakaburol ang anak niyang si Beau na pumanaw dahil sa brain cancer noong 2015.
Gaya ni John F. Kennedy, si Biden ay pangalawang Catholic president na agad na dumalo sa misa matapos na ito ay nagwagi sa pagkapangulo.