-- Advertisements --

Nakatakdang ianunisyo ni US President Joe Biden ang pagtanggal na ng mga sundalo ng US sa Afghanistan.

Sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na nakausap na niyag ang mga opisyal ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) kung saan napagkasunduan nila na aalis ang mga sundalo sa Setyembre 11.

Ang nasabing hakbang ay kahalintulad din ng desisyon ng Germany na aalisin ang kanilang sundalo na nakatalaga sa Afghanistan.

Mayroon pa kasing 2,500 na sundalo ang natitira sa Afghanistan na ito ay isasabay sa ika-20 taon anibersaryo ng pag-atake ng Al Qaeda sa New York.

Dahil sa pangyayari noon ay nilusob ng US ang Afghanistan kun gsaan naglagay sila ng mahigit 100,000 na sundalo mula pa noong 2011.