-- Advertisements --

Tinaasan na ni US President Joe Biden ang refugee cap ngayong taon ilang linggo matapos ang pagkaantala sa pagpapalit ng record-low ceiling na itinakda ni dating Pangulong Donald Trump na 15,000 lamang.

Sinabi ni Biden na nakatanggap siya ng karagdagang impormasyon dahilan para magdesisyon itong lagdaan ang emergency presidential determination na nagtatakda ng 62,500 refugee cap.

jOE BIDEN SIDE VIEW

Nauna nang sinabi ni Biden na ang pagpasok ng hanggang sa 15,000 mga refugee sa bansa na itinakda ni Trump para sa taong 2021 ay makatwiran para sa humanitarian concerns at national interest.

Paliwanag pa ni Biden na kung naabot ang itinakdang cap bago pa matapos ang kasalukuyang taunang budget at magpapatuloy ang pagdagsa ng mga refugee, dito maaaring magpasya ang pangulo upang itaas ang refugee cap.

Magbibigay puwang naman ito para sa mga refugee mula sa Africa, Middle East at Central America at pagluluwag sa mga restrictions para sa resettlement ng mga magmumula sa Somalia, Syria at Yemen.

Samantala, sa susunod namang taon target ng administrasyon na makapag-accomodate ng 125,000 refugees gaya ng ipinangako ni Biden. (with report from Bombo Everly Rico)