-- Advertisements --

Binatikos ni US President Joe Biden si Russian President Vladimir Putin.

Sinabi nito kilala niya si Putin ng mahigit na 40 taon at labis itong nababahala.

Giit pa nito na hindi siya desenteng tao dahil isa itong diktador na pinapanatiling matatag ang bansa habang nagpapatuloy ang ginagawang pag-atake.

Dahil sa mga ugali na ito ni Putin ay nagpasya ang US na gamitin na ng Ukraine ang mga armas na kanilang ibinigay laban sa Russia.

Paglilinaw naman ni Biden na maaring gamitin lamang ng Ukraine ang kanilang mga ibinigay na missile sa border nila ng Rusis at hindi nila inotorisa na tamaan nila ang Moscow.

Magugunitang nagbabala rin si Putin sa mga bansa na mahaharap sila matinding pagganti dahil sa patuloy na pagsuplay ng mga armas sa Ukraine.