-- Advertisements --

Tinawag na ‘iresponsable’ ni US president-elect Joe Biden ang kampo ni President Donald Trump.

Ito ay matapos na hindi pa nagbibigay ng mga impormasyon ang kampo ni Trump sa incoming US President.

Dagdag pa ni Biden na nakahanda na ang kaniyang transition team subalit hindi pa naibibigay sa kaniya ang defence at national security.

Magugunitang naghahhanda na ang kampo ni Biden para sa pormal na pag-upo nito sa darating na Enero 20.