Inihayag ni United States (US) President Joe Biden na ang pagkamatay ni Hezbollah leader Hassan Nasrallah ay isang “measure of justice” para sa mga biktima sa ilalim ng kaniyang pamumuno, mapa-sibilyang amerikano man, Israelis at Lebanese.
Isa kasi si Nasrallah sa mga lider na pumatay ng daan-daang American citizens sa loob ng apat na dekadang liderato nito.
Paliwanag pa Biden, nag-ugat umano ang pagkamatay ng Hezbollah leader dahil sa sinimulang pag atake ng Iran kontra Israel noong Oktubre 7 ng nakaraang taon na siya ring naging pagbubukas ng tinatawag ni Nasrallah na “northern front” kontra Israel.
Dagdag pa nito, sinusuportahan umano ng Estados Unidos ang mga naging aksyon ng Israel laban sa Iran na dipensa lang naman nito para sa maaaring pag-ugatan pa ng mas maraming bilang ng posibleng masawi at masaktan sa Israel.
Samantala siniguro naman ni Biden na ang tanging hangad lamang nila ay para maibsan ang nangyayaring giyera sa pagitan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng “diplomatic means”.
Pinaigting na rin umano ang pagsasagawa ng pagpupulong ng ilang mga bansa kasama ang United Nations Security Council para maipatupad na ang ceasefire at pagpapalaya sa mga hostages na hawak ng Iran at Israel.
Nauna na rito, pinag-utos na rin ni Biden sa Secretary of Defense ng US na mas higpitan at dagdagan ang mga naka-deploy na military personnels sa Middle East regions para maiwasan ang mga maaaring agresibong pag atake at mapigilan din ang lumalalang regional at territorial disputes sa rehiyon.