-- Advertisements --

Nagkausap na si US President Joe Biden at dating pangulong Donald Trump matapos ang naganap na tangkang pagpatay sa kaniya.

Sinabi ni Biden na tinawagan niya si Trump kung saan naging maikli at may pagrespeto ang pag-uusap nila.

Una ng iginiit ni Biden na walang puwang ang nasabing mga ganitong uri ng insidente.

Nagpasya rin ang kampo ni Biden na minabuting kanselahin muna ang lakad nito sa Texas nitong araw ng Lunes.