-- Advertisements --
Nagkausap na sa telepono ni US President Joe Biden si French President Emmanuel Macron.
Ito ay matapos ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa nang alukin ng US ang Australia na gumawa ng kanilang nuclear-powered submarines.
Sa nasabing tawag ay inamin ng US president na ito ay nagkaroon ng pagkakamali sa nasabing desisyon nito.
Tiniyak naman ni Biden na suportado niya ang pagkakaroon ng bukas na konsultasyon mula sa mga kaalyadong bansa para sa interes ng France at mga European partners.
Nagkasundo rin ang dalawa na magpulong ng personal sa katapusan ng buwan na gaganapin sa Europa.
Pumayag din si Macron na ibalik ang mga ambassadors nito sa US na una niyang tinanggal.