-- Advertisements --

Tiniyak ni US President Joe Biden na ibibigay niya ang lahat ng mga tulong sa mga biktima ng pagguho ng 12-palapag na gusali sa Surfside, Florida.

Inatasan niya ang lahat ng mga rescuers na mayroon ng gobyerno para sa mabilis na pag-rescue sa nasabing lugar.

Nakausap na rin ng pangulo si Florida Gov. Ron DeSantis kung saan lahat aniya ng tulong pinansyal ay ibibigay nito.

Ipapadala din aniya ang federal investigatory personnel para sa imbestigasyon na kailangan.

Tiniyak naman ni Governor DeSantis na kaniyang papanagutin ang mga nagpabaya sa nasabing insidente.

Magugunitang nasa halos 50 katao na ang nasawi at mahigit 150 ang nawawala sa pagguho ng 12-storey na condominium sa Miami.