-- Advertisements --
Tiniyak ni US President Joe Biden ang tulong sa mga naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng hurricane Ida sa New York, New Jersey at ilang estado sa US.
Nasa lugar na ang Federal Emergency Management Agency (FEMA) para tulungan ang mga residente.
Mayroong mahigit 6,000 sundalo ang ipinakalat para isagawa ang rescue and recovery efforts.
Gumagawa aniya rin ang mga otoridad ng kanilang makakaya para maibalik agad ang suplay ng kuryente sa mga naapektuhan ng baha.
Magugunitang umabot sa 11 katao na ang nasawi sa nasabing bagyo kung saan nagdulot ng malawakang pagbaha sa malaking bahagi ng New York, New Jersey at mga southern state ng US.