-- Advertisements --

Tiniyak naman ni US President Joe Biden ang agarang tulong na ibibgay ng Federal Government sa mga lugar na sinalanta ng hurricane Helene.

Sinabi nito na kaniyang nakausap na ang mga gobernador ng Florida, Georgia at North Carolina kung saan bibisita ito sa mga susunod na araw.

Kaniyang hihilingin sa kongreso na bumalik sila para sa special sessions at ng maipasa ang supplemental funding package para sa mga apektadong lugar.

Magugunitang aabot na sa 100 katao ang nasawi at nasa 600 ang nawawal sa pananalasa ng hurricane Helene.