-- Advertisements --

Pinatityak ni US President Joe Biden sa mga residente ng Hawaii na ginagawa nila ang lahat ng makakaya para makabangon agad sila.

Kasalukuyan kasing sinasalanta ang nasabing isla ng wildfire na kumitil na ng halos 40 katao.

Ayon sa White House na tinawagan na ni Biden si Hawaii governor Josh Green at nagpaabot ng pakikiramay sa mga nasalanta ng wildfire.

Naglabas din ang pangulo ng Major Disaster Declaration para magamit ang federal funds sa pagtulong sa mga nasalanta ng wildfire.

Magugunitang nitong Martes ay lalong lumaki ang apoy dahil sa hangin na dala ng Hurricane Dora.

Maraming mga residente na rin ang lumikas at ang kanilang mga kabahayan ay nasalanta ng nasabing sunog.