-- Advertisements --

Nagbigay ng katiyakan si US President Joe Biden sa mga iba’t-ibang state governor na buong ibibigay ng kaniyang gobyerno ang suporta sa paglaban sa Omicron coronavirus variant.

Nagsagawa kasi si Biden ng Virtual meeting sa mga iba’t-ibang US governor kasunod ng pagtaas ng kaso ng Omicron.

Kasama rin nito sa pulong ang mga COVID-19 team.

Dagdag pa ni Biden na dapat resolbahin muna sa level ng mga estado bago ang pagtulong nila.

Ilan sa mga tulong na inialok nito ay ang patuloy na pagpapaturok ng COVID-19 booster shots at ang mandatory testing.