-- Advertisements --

Tiniyak ni US President Joe Biden na gagawin nila ang lahat ng makakaya para mailikas ang kanilang mga mamamayan na nasa Afghanistan.

Sinabi nito na lahat ng mga paraan ay kanilang gagawin para ligtas na makaalis ang mga mamamayan nila.

Kasama rin aniyang ililikas ang mga Afghans na nagtrabaho sa kanila bilang mga interpreters.

Ipapaubaya na rin aniya ito sa mga sundalo ng US na nakabantay sa Hamid Karzai International Airport sa Kabul kung kanilang hihigpitan ang pagbantay.

Mula Agosto 14 ay nasa mahigit 13,000 katao na ang nailikas na ng US.