-- Advertisements --

Muling tiniyak ni US President Joe Biden na hindi nagbabago ang kanilang pinagtutuunan ng atensiyon at ito ay ang matiyak ang seguridad ng Israel.

Sinabi ng US President na kasama pa rin nilang isinusulong ang pagkakaroon ng ceasefire at ang pagpapakawala ng mga bihag ng Hamas.

Kanila ding isinasaalang-ala ang kaligtasan ng kanilang mga personnel at partners na nasa rehiyon kabilang ang Iraq.

Pinag-aaralan na rin ng Israeli war cabinet ang kanilang mga military plans para sa potensiyal na pag-atake sa Iran.

Sa mahigit tatlong oras na pagpupulong ay desidido sila na gumanti.

Hindi naman binanggit ng mga war cabinet members kung kailan ang kanilang balak na pag-atake.

Nanawagan naman si US Secetary of State Antony Blinken sa Israel na iwasan ang pag-atake sa Iran para hindi na lumala pa ang kaguluhan sa rehiyon.

Sakaling nangyari aniya ito ay tiyak na magiging mataas ang tensiyon sa nasabing lugar.