-- Advertisements --

Inilipat ni US President Joe Biden ang deadline para ang mga adult Americans para mabakunahan lahat.

Mula sa dating Mayo 1 ay ginawa na niya itong Abril 19 para ang lahat ng mga eligible ay mabakunahan.

Ipinagmalaki rin ng US president ang mabilis na ginagawang vaccination rollout ng kaniyang gobyerno kung saan ilang milyon ng mamamayan na nila ang naturukan na ng COVID-19 vaccines.

Sa loob lamang kasi ng 75 araw niya sa opisina ay mayroon ng 150 milyon doses ng coronavirus vaccine ang naiturok at target na nito ang 200 milyon shots pagdating ng kaniyang 100 days sa kaniyang opisina.

Paglilinaw din nito na hindi pa tapos ang pananalasa ng COVID-19 at malayo pa sila na matalo ang COVID-19.