-- Advertisements --

Malaki ang tsansa na makukuha ni Democratic President elect Joe Biden ang panalo sa Georgia.

Kapag mangyari ito ay magiging kauna-unahan sa loob ng 28 taon si Biden na manalo sa Georgia.

Sa panalo nito sa Georgia ay madadagdagan ng 16 electorial votes si Biden na magdadala sa kaniya sa kabuuang 306 na katapat ang bilang ni Trump noong 2016.

Kung magwawagi si Biden sa Georgia ay makukuha naman ni US President Donald Trump ang panalo sa North Carolina na ang magiging final na bilang ay 306 kay Biden kontra sa 232 kay Trump.