Naniniwala pa rin si US President Joe Biden na “malaki ang posibilidad” na atakehin ng Russia ang Ukraine.
Ito ay sa kabila ng pahayag ng Russia’s defence minister na ilan sa mga Russian troops ang nag-withdraw na sa Ukraine border.
Tiniyak ng pangulo ng Amerika na nakahanda silang tumugon sa naturang hakbang.
Sa kabila nito, gumawa pa rin ng apela si Biden para sa diplomasya na magpatuloy habang ang mundo ay nagmamasid upang makita kung ang Pangulo ng Russia na si Vladimir Putin ay nag-utos ng pagsalakay sa Ukraine.
Nilinaw naman ni Biden na hindi siya naniniwala na gusto ng Russians ng “isang madugong mapanirang digmaan laban sa Ukraine.
Ang bansa na may malalim na ugnayan ng kasaysayan ng pamilya at kultura ng Russia.
Binalikan niya ang nangyaring World War II kung saan ang mga Amerikano at Russian ay “nakipaglaban at nagsakripisyo na nagresulta sa pinakamasamang digmaan sa kasaysayan.”
Aniya, ang World War II ay isang digmaan ng pangangailangan, ngunit kung aatakehin ng Russia ang Ukraine, ito ay magiging isang war of choice, isang digmaang walang dahilan.
Hindi malilimutan ng mundo na pinili ng Russia ang hindi kinakailangang kamatayan at pagkawasak.