-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang trabaho ni US President Joe Biden kahit ito ay naka-isolate matapos na magpositibo sa COVID-19.

Ayon kay White House press secretary Karine Jean-Pierre, kinakausap ng US president ang mga opisyal ng US habang ito ay naka-isolate sa isang kuwarto ng White House.

Binigyan na rin ito ng antiviral medicine na Paxlovid base na rin sa suhestiyon ng kaniyang doctor.

Nakakaranas lamang ng kaunting sipon at pananakit ng lalamunan ang US president kung saan hinihintay pa lamang ng mga doctor ang resulta ng pagsusuri dito kung anong variant ang maaring nakahawa sa kaniya.

Magugunitang ang 79-anyos na presidente ay fully vaccinated na at dalawang beses na rin itong nakatanggap ng dalawang booster shots laban sa COVID-19.