Pormal na inanunsiyo ni US President Joe Biden na hindi na ito muling tatakbo sa pagkapangulo sa darating na halalan sa Nobyembre.
Sa ipinamahagi nitong sulat ay kahit na nais nitong tumakbo muli ay isinasaalang-alang niya ang kahilingan ng kaniyang partido na huwag ng tumuloy.
Dagdag pa nito na tututukan na lamang niya ang kaniyang pagka-pangulo sa natitirang panahon ng kaniyang termino.
Nakatakda rin itong magtalumpati sa mga susunod na araw ukol sa nasabing desisyon.
Magugunitang mahigit 30 mga Democrats na kaniyang kaalyado ang nananawagan na kay Biden na huwag na lamang itong tumuloy na tumakbo sa pagkapangulo dahil sa inaalala nila ang kaniyang kalusugan.
Kaniyang inindorso na papalit sa kaniya para harapin ang katunggaling si dating US President Donald Trump sa halalan si Vice President Kamala Harris