-- Advertisements --

Nanindigan ang White House na hindi aatras si US President Joe Biden sa pagtakbo muli sa pagkapangulo.

Kasunod ito sa lumabas na usapin na nagkakaproblema ang US President sa kaniyang kalusugan.

Sinabi ni White House press secretary Karine Jean-Pierre na walang balak si Biden na umatras sa laban at magpapatuloy sila sa kampanya.

Pinulong na rin ni Biden 23 Democratic governors para matiyak ang kaniyang panalo.

Magugunitang maraming mga nakapuna ang kahinaan ng kalusugan ni Biden ng magharap sila ni dating US President Donald Trump sa isang debate.