-- Advertisements --

Walang humpay ang ginagawang pagsasagawa ng update ni US President Joe Biden at Vice President Kamala Harris sa mga opisyal ng Florida matapos ang pananalasa ng Hurricane Milton.

Ayon kay Biden na masyadong maaga pa sa ngayon ang assessment kung magkano ang kabuuang damyos ng nasabing bagyo.

Pinayuhan din nito ang mga mamamayan ng Florida na huwag munang lumabas sa kanilang kabahayan hanggang hindi pa inaanunsiyo ng mga opisyal.

Pagtitiyak naman nito na mayroong sapat na tulong ang ibibigay ng gobyerno sa mga nasalanta ng nasabing magkasunod na hurricane Helene at Milton.

Magugunitang nasa 12 katao na ang nasawi dahil sa nasabing pananalasa ng hurricane Milton na nasa category 3 ng ito ay naglandfall sa Florida.