Nag-usap na si US President Joe Biden at Chinese counterpart na si Xi Jinping sa isang inaabangang virtual na pagpupulong.
Sinabi ni Xi na ang China ay “handa na isulong ang relasyon ng US-China sa positibong direksyon”.
Sinimulan ng magkabilang panig ang kanilang pagpupulong sa pamamagitan ng pagbalangkas ng mga lugar na kailangang pag-usapan ng dalawang bansa.
Ipinaabot ni Biden sa kanilang pag-uusap ang mga karapatang pantao at ang rehiyon ng Indo Pacific.
Sinabi ni Mr Xi na mahalagang igalang ng dalawang bansa ang isa’t isa at kailangan ng “matatag na relasyon”.
Idinagdag niya na masaya siyang makita ang kanyang “old friend” na si Biden.
Sa pulong, sinabi ni Mr Xi na kailangan ng dalawang bansa na pagbutihin ang “komunikasyon” at harapin ang mga hamon na “magkasama”.
Kabilang din sa issues na pinag-usapan ang may kaugnayan sa tensyon sa China at Taiwan; isyu may kaugnayan sa cybersecurity, trade at nuclear non-proliferation.