-- Advertisements --
Isulan Sultan Kudarat ied 1
Isulan, Sultan Kudarat (photo courtesy Allan Anthony Pullan)

Tinukoy ni Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt.Gen. Cirilito Sobejana na mga teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) Dawlah Islamiyah ang nasa likod ng pagsabog sa Isulan,Sultan Kudarat kahapon ng umaga na ikinasugat ng walong indibidwal.

Ayon sa heneral, extortion ang isa sa mga motibo sa nangyaring pagsabog.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Sobejana, sinabi nito nasa P250,000 extortion money ang hinihingi ng teroristang grupo sa pangunguna ng Dawlah Islamiyah Abu Toraife group.

Sinabi ni Sobejana, mismong ang local government ng Isulan ang kinikikilan ng teroristang grupo at dahil hindi ibinigay ang kanilang kahilingan ay muling naglunsad ng pagsabog ang mga ito.

Kinumpirma din ni Sobejana na parehong grupo lamang ang nagpasabog nuon sa Carlitos Restaurant nuong buwan ng April at ang pagsabog kahapon ng umaga.

Aniya, pinalitan lamang ng teroristang grupo ang pangalan na responsable sa pagsabog kahapon.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ang signature ng improvised explosive device (IED) na ginamit sa pagsabog kaninang umaga ay mula sa teroristang grupo.

Nagpapatuloy pa rin sa ngayon ang joint investigation ng AFP at PNP hinggil sa insidente.

Apela naman ni Sobejana sa publiko na maging mapagmatyag at ireport sa mga otoridad kung may napapansin silang mga hinahinalang galaw ng isang indibidwa.

Lalo na yung mga nakakatanggap ng threat na agad ipagbigay alam sa militar o PNP.

” Ang suspek natin sa bombing sa Carlitos restaurant sa Isulan ay sila parin, extortion yung kanilang pakay, they demanded P250,000.00 from the local government,” wika ni Lt.Gen. Sobejana.