-- Advertisements --

(Update) CENTRAL MINDANAO – Grupo umano ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-ISIS inspired group) ang itinurong suspek sa nangyaring pagsabog sa gilid ng simbahan sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Sa ulat ng pulisya, isang bata ang nakakita ng dalawang bomba sa harap ng simbahang katolikA sa Purok Rosal, Brgy Pimbalayan, Lambayong, Sultan Kudarat.

Agad itong Ipinaalam ng menor de edad sa kanyang ama na siya namang tumawag sa mga tauhan ng Cafgu.

Bago nakarating ang EOD Team sumabog ang isang impovised explosive devise (IED) at isa ang na-diffuse.

Walang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan at pagkasira sa gilid ng kapilya.

Sinasabing tumanggap umano ng pondo ang grupo ni Toraife mula sa ISIS para maghasik ng kaguluhan sa Mindanao bago sumapit ang election.

Sa ngayon ay nasa heightened alert ang militar at pulisya sa Central Mindanao laban sa BIFF at mga kaalyado nitong dayuhang mga terorista.