MAGUINDANAO – Grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-ISIS inspired group) ang itinurong suspek ng mga otoridad na naglagay ng improvised explosive device (IED) sa gilid ng provincial road sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay Pikit chief of police P/Maj. Mautin Pangandingan, tumanggap sila ng impormasyon mula sa mga sibilyan sa Barangay Ginatilan, Pikit, Cotabato sa iniwang bomba sa gilid ng kalsada
Agad isinara ng militar at pulisya ang provincial road habang hinihintay ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team ng Philippine Army para matiyak ang seguridad ng mga sibilyan.
Ang IED ay gawa sa dalawang bala ng 40mm, isang internet wire color blue, 12 volts battery at apat na gallon container.
Sinabi ng EOD unit ng Phil. Army na walang kakayahan na sasabog ang IED dahil hindi nakompleto ang pagbuo nito.
Malaki ang maniniwala ng 6th Infantry (Kampilan) Division na kaya iniwan ng may dala ng bomba sa tabing daan dahil may mga checkpoint ang pulisya at militar sa lugar.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng mga otoridad ang seguridad sa bayan ng Pikit at buong probinsya ng Cotabato.