KORONADAL CITY – Itinuturo ngayon ang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na responsable sa pananambang sa kapulisan ng Ampatuan Municipal Police Station na nagresulta sa pagkasawi ng dalawa kabilang ang chief of police at pagkasugat naman ng tatlong iba pa sa Brgy. Kapimpilan, Ampatuan Maguindanao.
Kinilala ni PBGEN. John Gano Guyguyon, Regional Director ng PRO-BAR ang mga nasawi na sina Police Lieutenant Reynaldo Samson, hepe ng Ampatuan PNP at si PCp/ Salipuden Talipasan Endab habang ang tatlong PNP personnel na nasugatan ay sina naman sina PSMS Reynante Quinalayo, Pcpl Rogelio Dela Cuesta jr, Pcpl Clint Marc Dayaday pawang mga miyembro ng Ampatuan MPS.
Ayon kay Guyguyon, mahigpit nilang kinukundena ang pangyayari at tinututukan na ang imbestigasyon nito sa ngayon at tiniyak niyang mapapanagot ang responsable sa insidente.
Dagdag pa ng opisyal, ihahain sana ng grupo ni Lt. Samson ang warrant of arrest laban kay Kamir Kambal alias Meds sa kasong Robbery na inisyu ni Judge Anabelle Piang ng 12th Judicial Region, Branch 15, Shariff Aguak, Maguindanao.
Ngunit habang papunta na sa lugar ay tinambangan ang mga ito nga mahigit sampung armadong kalalakihan na pinamumunuan ni Guipar Abdulkarim at Bantukan Andog alias Cmdr Boy Jocket, Sala Tunda, Johari Abdulbasser Guinaid, Phepe Saptulah, Abdulrah Sapal at isa pang Bro Sapal, Bobot Kamsa alias Borgo nga pinaniniwalaang mga kasapi ng BIFF.
Naniniwala si General Guyguyon na nakatunog o mayroon nagleak na information sa pagsasagawa ng operasyon kayat naunahan ang mga tauhan ng PNP ng armadong mga kalalakihan.
Sa ngayon, nasa ligtas na sitwasyon na ang 3 mga sugatan.
Habang, nangako naman si General Guyguyon sa pamilya ng mga biktima na ibibigay ang nararapat na hustisya at assistance.
Pinalakas din ang hot persuit operation ng Maguindanao PPO laban sa mga salarin.