-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-Karialan faction) ang itinurong suspek ng mga otoridad sa panibagong pagsabog sa lalawigan ng Maguindanao.

Add New

Nakilala ang mga biktima na sina Norodin Musa 21 anyos, Fahad Tato 22, Samsudin kadtugan 21, Benzar Macogay 24 , Amid Miparanun 19, Carlo Mobpon 25, Tukoy Abo, 13 anyos at Mohamad Wanti, 29,mga residente ng Barangay Poblacion Datu Piang Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Jibin Bongcayao na sumabog ang isang Improvised Explosive Device (IED) sa Municipal Gym covered court sa bayan ng Datu Piang habang naglalaro ng volleyball ang mga biktima at ang iba ay nanunuod lamang.

Dahil sa lakas ng pagsabog ng bomba walong mga sibilyan ang tinamaan.

Agad namang nagresponde ang Datu Piang PNP at 6th Infantry Battalion Philippine Army at dinala ang mga sugatan sa Maguindanao Provincial Hospital.

Isa sa mga biktima ang nasa maselang kondisyon dahil sa tindi ng sugat na natamo nito sa IED na sumabog.

Kinondena naman ni Maguindanao 2nd District Congressman Esmael”Toto”Mangudadatu at Datu Piang Mayor Victor Samama ang nangyaring pagsabog kung saan mga sibilyan ang naging biktima.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Piang PNP at militar sa pagsabog ng bomba.