-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Namataan umano ang ilang mga foreign terrorist na nagtatago sa kuta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.

Palipat-lipat umano ang mga ito sa Liguasan Delta at SPMS Box.

Nasa tatlo hanggang limang mga dayuhang terorista ang kinakanlong ng grupo ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraifi.

Sinasanay din umano ng mga terorista ang BIFF sa paggawa ng bomba at suicide bombing.

Binabantayan na ng militar ang arm shipment ng BIFF mula sa labas ng bansa.

Matatandaan na noong mga nakalipas na taon ay napatay ng PNP-SAF ang Malaysian terrorist na si Zulkipli Abdhir alyas Marwan sa inilunsad na Oplan Exodus katuwang ang Army Special Forces ng United States.

Palabas na ang PNP-SAF noon ng makasagupa ang BIFF at MILF kung saan 44 sa pulisya ang nasawi at 18 sa mga rebelde.

Sa ngayon ay may mga bagong terorista na mga Indonesian at Malaysian terrorist na kasapi ng Jemmaah Islamiyah na nagtatago sa kuta ng BIFF.

Sa ngayon ay pinaigting pa ng militar ang pagtugis sa BIFF at mga dayuhang terorista sa Central Mindanao lalo na sa lalawigan ng Maguindanao.