-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Maraming mga myembro na ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nagpahiwatig umano na bumalik na sa dati nilang grupo na Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa lalawigan ng Maguindanao.

Pagod na ang BIFF sa pakikibaka laban sa gobyerno at marami na sa kanila ang gustong magbagong buhay.

Nais daw ng BIFF na makiisa sa tinuturing nilang matagumpay na Bangsamoro government.

Mahina na rin ang pwersa ng BIFF dahil sa pagsuko ng kanilang mga kasamahan.

Maraming mga rebelde na rin ang nasawi sa pinaigting na operasyon ng Joint Task Force Central,

Nagkagulo-gulo na rin ang liderato ng tatlong paksyon ng BIFF dahil sa personal na interes ng kanilang mga lider.

Todo tanggi naman ang ibang BIFF members sa plano ng kanilang mga kasamahan na bumalik sa pamunuan ng MILF.