-- Advertisements --

6thID1

Tinukoy ng militar ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na responsable sa pagpapasabog ng Improvised Explosive Device (IED) sa South Upi, Maguindanao na ikinasawi ng isang motorista kahapon ng umaga.


Ayon kay 6th Infantry Division at Joint Task Force Central Commander Major General Juvymax Uy, base ito sa narekober ng mga tropa na isa pang hindi pa napapasabog na IED malapit sa pinangyarihan ng insidente na may bomb-signature ng Daesh Inspired Group BIFF.

Batay aniya sa imbestigasyon ng 57th Infantry “Masikap” Battalion at South Upi Municipal Police Station, nangyari ang pagsabog malapit sa telecommunication company sa Timanan Public Market, Brgy. Romongaob, South Upi.Target umano ng pagpapasabog ang local chief executive na si Mayor Reynalbert Insular na nakatakda sanang dumaan sa lugar patungo sa Barangay Kuya, pero hindi ito natuloy.

6thID3


Mariing kinondena ni Uy ang insidente at nanawagan sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa paglaban sa terrorismo sa pamamagitan ng pag-report ng mga kanina-hinalang bagay o tao sa kanilang mga lugar.


Sa ngayon, pinalakas pa ng militar ang kanilang intelligence monitoring para maiwasan ang kahalintulad na insidente.