CENTRAL MINDANAO-Todo bantay ngayon ang militar at pulisya sa planong pambobomba ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Ito ang kinumpirma ng isang opisyal ng militar sa pagpupulong ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) sa bayan ng Northern Kabuntalan Maguindanao.
Hawak na umano ng isang Kumander OB-10 ng BIFF ang bombang pasasabugin sa Central Mindanao.
Ang bomba ay gawa ng mga dayuhang terorista na sangkot sa twin bombing sa Jolo Sulu.
Tumanggap umano ng malaking pondo ang BIFF sa Islamic State of Irag and Syria (ISIS) para maglunsad ng terorismo o karahasan sa Mindanao.
Matatandaan na nasawi ang isang local bomb expert ng BIFF na si Kumander Abu Master sa engkwentro ng 90th Infantry Battalion Philippine Army sa Brgy Pagagawan Datu Montawal Maguindanao.
Sa ngayon ay pinaigting pa ng mga sundalo at pulis ang pagbabantay sa mga lugar na posibling target ng BIFF sa pambobomba.