-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tinukoy ng militar ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na konektado sa grupong Dalwa Islamiya na siyang
responsable umano sa pamobobomba ng isang chicken restaurant sa Barangay Kalawag 2, Isulan Sultan Kudarat.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Western Mindanao Command spokesperson Lt. Col. Gerry Besana na isang improvised explosive device ang ginamit sa pagpasabog sa restaurant.

Ayon kay Besana, ang BIFF lamang ang may kakayahan sa pagpasabog ng nasabing uri ng bomba.

Napag-alaman na sa ngayon aabot na sa labing-walo katao ang naisugod sa bahay-pagamutan at inaasahang madagdagan pa ito.

Kinordon na rin nang pulisya at militar ang nasabing lugar upang mahuli ang mga pinaghihinalaang responsable sa pamomomba.