-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Nagpapalakas umano ng puwersa ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.
Nere-recruit ng mga rebelde ang mga residente sa mga liblib na barangay na karamihan ay mga menor de edad.
Matatandaan na nasawi ang ilang mga lider at mga myembro ng BIFF sa inilunsad na focused military operation ng Joint Task Force Central sa Maguindanao.
Marami na rin sa BIFF ang sumuko sa militar at pulisya sa Maguindanao at North Cotabato.
Halos wala nang tinatanggap na suporta ang BIFF sa mga terorista sa labas ng bansa dahil sa nararanasang pandemya.
Sa ngayon ay nananatiling nasa heightened alert ang militar at pulisya sa Maguindanao laban sa BIFF.