Nasayang ang bigtime performance ni San Antonio Spurs rookie at bigman Victor Wembanyama, matapos itong pataubin ng Los Angeles Lakers, 119 – 116.
Kumamada kasi ng 30 points 13 rebounds ang rookie na si Wembanyama at pinangunahan ang San Antonio sa isang kaabang-abang na laban kontra sa kauna-unahang NBA Cup Champion na Los Angeles Lakers.
Nag-ambag din ng 28 points ang small forward ng San Antonio na si Keldon Johnson.
Kapwa nagpakita ng mahigpit na depensa ang dalawang koponan sa kabuuan ng game kung saan kapwa kumamada ang mga ito ng tig-46 rebounds. Kapwa nakakuha ng tig-16 fouls din ang dalawa.
Sa pagtatapos ng ikatlong kwarter, hawak ng Lakers ang 18 big points.
Gayonpaman, pinilit ng Spurs na makawala at nagbuhos ng 45 points sa huling kwarter habang 30 points lamang ang naging kasagutan ng Lakers.
Naging bentahe lamang ng Lakers sa mga huling segondo ng laro ang ilang free throws na resulta ng itinawag na fouls. Nagtapos ang laro sa score 122 – 119.
Bumida sa naging panalo ng Lakers ang sentrong si Anthony Davis na kumamada ng 37 points at sampung rebounds, habang 12 points 10 assists naman ang naging kuntribusyon ni D’Angelo Russell.
Ito na ang ika-20 na pagkatalo ng San Antonio, hawak pa rin ang tatlong panalo, habang hawak naman ng lakers ang 15 – 10 na kartada.