-- Advertisements --

Abiso para sa mga motorista.

Asahan ang big-time oil price hike sa darating na Enero 18.

Madagdagan ng nasa P0.85 hanggang P1 ang halaga ng kada litro ng gasolina.

Habang nasa P1.70 hanggang P1.80 naman ang magiging taas-preyo sa kada litro ng diesel.

Nagkakahalaga naman sa P2.10 hanggang P2.20 ang itataas sa singil sa kada litro ng kerosene.

Ayon sa mga kinauukulan, ang pagkakaroon ng paghihigpit sa suplay at mataas na demand sa produkton petrolyo sa gitna ng banta ng omicron variant ang nagdulot ng mararanasang big-time oil price hike sa Pilipinas.

Magugunita na ito na ang ikatlong linggo ng pataas ng presyo sa produktong petrolyo.