-- Advertisements --

Nakaamba umano ang big time na oil price hike sa susunod na linggo.

Batay sa ilang oil industry sources, sisirit hanggang P1.75 hanggang P1.90 ang kada litro ng gasolina.

Habang ang kada litro ng diesel ay papalo ng P1.00 hanggang P1.10.

May umento namang P0.95 hanggang P1.00 sa kada litro ng kerosene.

May dagdag naman na P1.00 hanggang P1.50 dahil sa mas mataas na taripa sa imported na petrolyo.