Inaasahang magpapatupad ang mga kompaniya ng langis ng big-time oil price sa susunod na linggo.
Base sa oil trading sa nakalipas na 4 na araw, inihayag ng Department of Energy na maaaring magkaroon ng umento sa gasolina na P0.60/L hanggang P0.85/L.
Sa diesel naman, inaasahan ang pagtaas na P1.45/L hanggang P1.70/L
habang sa kerosene naman ay P1.85/L hanggang 1.90/L.
Nakaambag sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Gayundin bunsod ng mas mataas na demand forecasts mula sa Amerika at Organization of Petroleum-Exporting Countries (OPEC), kasabay ng inaasahang pagbaba ng imbentaryo sa krudo ng Amerika at iba pa.
Inaasahan na iaanunsiyo ang opisyal na presyo ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa araw ng Lunes at ipapatupad sa Martes.