Inaasahang ipapatupad ang big time oil price hike sa susunod na linggo base sa unang tatlong araw ng trading sa pandaigdigang merkado.
Sa unang 3 araw ng trading, tumaas ang mga presyo ng produktong petrolyo. Sa Diesel, tumaas ng P2.37/L, sa Gasoline nasa P2.21/L habang sa Kerosene P2.48/L.
Kung sakali, ito na ang ikaapat na sunod na linggo na umento sa presyo ng diesel at kerosene habang ikatlong sunod na linggo naman sa gasolina.
Ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay resulta ng tumitindi pang kaguluhan sa Middle east at ang pagsipa ng mga presyo ng imported fuels ng mahigit P2 kada litro.
Inaasahan na iaanunsiyo ng mga kompaniya ng langis ang opisyal na presyo ng mga produktong petrolyo sa araw ng Lunes at ipapatupad sa araw ng Martes.