-- Advertisements --

Inaasahan ang malakihan na namang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa ilang oil industry sources, sisirit ng mula P0.90 hanggang P1.00 ang kada litro ng diesel.

Magkakaroon din ng dagdag na P0.90 hanggang P1.00 sa kada litro ng gasolina.

Habang sa kada litro ng kerosene, tinatayang nasa P0.70 hanggang P0.80 ang magiging dagdag-presyo.

Ito na ang ikaanim na sunod na linggo ng pagtaas ng presyo sa diesel at kerosene.

Ang panibagong bigtime oil price hike ay bunsod daw sa karagdagang buwis na ipinataw.