-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na magkakaroon ng malaking rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, kasabay ng paggunita ng Holy Week.

Ayon kay DOE Assistant Director Rodela Romero, batay sa apat na araw ng monitoring, siguradong magpapatupad ng bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis:

Gasolina: P3.30 – P3.75 kada litro bawas

Diesel: P2.90 – P3.40 kada litro bawas

Kerosene: P3.40 – P3.50 kada litro bawas

Paliwanag ng DOE, bumaba ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa tumitinding tensyon sa U.S. at China na nagdulot ng resesyon.

Dagdag pa rito, inaasahang magbabawas ng presyo ang Saudi Arabia habang magdaragdag ng produksyon ang Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC).

Ang pinal na presyo ay inaasahang i-aanunsyo sa susunod na linggo.