-- Advertisements --
hallasgo tabal
Hallasgo and Tabal giving the Philippines 1-2 finish in women’s marathon (photo by Bombo Jerald Ulep)

Nanguna sa women’s division ng 42 kilometer run na unang event ng athletics sa nagpapatuloy na South East Asian (SEA) Games 2019 ang isa pang pambato ng Pilipinas na si Christina Hallasgo.

Malaking upset ang nangyari nang pumangalawa ang Olympian na si Maryjoy Tabal at pangatlo si Hong Le Thi Pam ng Vietnam.

Naging susi sa panalo ng Malaybalay, Bukidnon natin na si Hallasgo ang mabilis na oras na 2:56:56 para ibulsa ang first-ever SEA Games gold.

Habang si Tabal ay nagtapos sa oras na 2:58:49.

Naging madrama pa ang sumunod na tagpo nang mag-collapse sa track si Tabal nang makalampas sa finish line.

Agad naman nagtakbuhan ang medical teams upang siya ay alalayan at bigyan ng first aid.

tabal collapse sea games marathon
Olympian Maryjoy Tabal collapses on the oval track (Bombo Radyo photo)

Samantala bigo namang makakuha ng medalya ang pambato ng Pilipinas sa men’s division sa parehong event.

Nasa ika-apat na puwesto lamang si Jerard Zabala at pang-anim si Anthony Simpiciano Nerza.

Nanguna sa long distance run si Agus Prayogo mula sa Indonesia, pangalawa si Sanchai Namkhet ng Thailand at si Mohammad Mohaizar mula Malaysia.

hallasgo marathon sea games