-- Advertisements --

Unang aarangkada ang Bigas 29 program ng pamahalaan sa Kadiwa centers Metro Manila at karatig na probinsiya.

Ito ang inanunsiyo ngayong araw ni National Food Authority Administrator Larry Lacson.

Sa ilalim ng programa, ibebenta ang aging stock ng bigas sa halagang P29 kada kilo na ayon sa ahensiya ay magagandang klase ng bigas.

Limitado muna sa vulnerable sector ang programa kabilang dito ang mga benepisyaryo ng conditional cash transfer program, persons with disabilities, senior citizens at solo parents.

Una na ngang sinabi ng DA na ang inaasahang magbebenepisyo dito ay ang 6.9 million households o tinatayang 34 milyong indibidwal.