CAGAYAN DE ORO CITY – “Sapat pa ang supply ng bigas hanggang Marso 2021.”
Ito ang tiniyak ni Agriculture Sec. William Dar sa panayam ng Bombo Radyo.
Iginiit ng kalihim na kahit sa katapusan pa ng taon, nasa 10-year high kasi ang rice inventory ng Pilipinas.
Katumbas ito ng 3.27 million metric tons kaya sapat ito para sa isang taong konsumo ng bigas sa buong bansa
Maliban sa bigas, sapat din daw ang supply ng mga gulay at mga karneng isda kahit nasa estado pa ang community quarantines lalo na sa mga pangunahing lugar na mapagkukunan ng nasabing produkto.
Sa ngayon nananawagan si Dar sa lahat ng DA regional field offices na mag-double time sa paghikayat sa mga magsasaka at mangingisda na palakasin ang produksyon at gumamit ng teknolohiya upang mapanatiling may sapat na supply ng pagkain sa mga merkado.