-- Advertisements --
Magsasama-sama ang mga malalaki at bigating artista sa Hollywood at singers para sa global COVID-19 fundraising gig.
Ang nasabing concert ay inisyatibo ng Global Citizen at European Commission kung saan target nilang makalikom ng ilang bilyong dolyar mula sa private at public donations para matulungan at mabawasan ang epekto ng coronavirus pandemic.
Magiging host sa nasabing virtual concert si Dwayne ‘The Rock’ Johnson.
Kabilang sa napiling magtatanghal ay sina Miley Cyrus, Queens, Coldplay, ChloexHalle at Shakira.
Sinabi ni Global Citizen’s chief executive Hugh Evans na kailangan nila ng malaking halaga ng pera na malikom na gagamitin sa paggawa at testing ng mga bakuna laban sa coronavirus.