Sinagot ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Lin Jian ang naging pahayag ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na ang China ang ‘biggest disruptor of peace’ sa Southeast Asia.
Maalalang tinawag ni Sec. Gibo ang China bilang ‘biggest disruptor of peace’ kasabay ng kanyang pagbibigay-mensahe sa ika-35 Indo-Pacific International Military Law and Operations Conference.
Ayon kay Lin, ang China ang huling bansa na manggugulo sa katahimikan.
Inakusahan din ni Lin ang Pilipinas na nagsisimula ng mga probokasyon na siyang gumagambala at sumisira sa katahimikan sa Indo-Pacific Region.
Ang pahayag ng China ay sa kabila pa ng sunod-sunod na ginagawa nitong pambubully sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea na naglalayag sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa.
Maliban sa mga barko ng Pilipinas, tuloy-tuloy din ang harassment na ginagawa ng mga Chinese vessel sa mga mangingisdang nagagawi sa mga karagatang nagsisilbing traditional fishing ground ng mga Pilipino.